Willie at Lolit, idinawit ni Lito Camo sa ‘binyag photos’ ni Ninong Manny
NAGKAMALI ng desisyon si Kat Ordonez nang magsalita siya via phonepatch interview sa Showbiz Central noong Linggo para pabulaanan ang balita na si Congressman Manny Pacquiao ang ama ng kanyang anak na bininyagan sa St. Francis de Assisi Church noong September 17, 2011.
Maganda ang intensyon ni Kat na linisin ang pangalan ni Manny pero siya rin ang nagbigay sa publiko ng oportunidad at lisensya na husgahan at bigyan ng iba’t ibang kahulugan ang kanyang mga pahayag.
Nang kumpirmahin ni Kat na totoong nagsilang siya ng sanggol na lalake sa Capitol Medical Center noong November 17, 2010, siya na rin ang nagbigay ng validation sa mga impormasyon na ikinalat ng tao na naglabas din ng mga baptismal photo ng kanyang anak.
Wala bang nag-remind kay Kat ng matandang kasabihan na, “Ang isda ay nahuhuli sa bibig”?

Dahil sa mga pahayag ni Kat, maraming katanungan ang naghihintay ng kasagutan tulad ng kakayahan niya na magkaroon ng baptismal reception sa isang five-star hotel, ang hindi pagsipot sa binyag ng kanyang ex-boyfriend na sinasabi niya na tunay na ama ng bata at ang non-appearance ni Jinkee Pacquiao sa okasyon (kung totoo man na assistant ni Pacquiao ang mystery father ng bata).
Malinaw ang intensyon ni Kat -- ang iligtas si Manny sa eskandalo -- pero dahil sa kanyang pagsasalita sa national television, parang binuhusan niya ng gasolina ang nagbabagang kahoy kaya lalong lumaki ang apoy.
Kung kami ang adviser ni Kat, papayuhan namin siya na manahimik dahil siya na rin ang nagsabi na mga pribadong tao sila ng kanyang pamilya.
Ipinaubaya na lamang sana niya kay Manny ang pagsasalita, pagtanggi at pagpapaliwanag dahil ang Pinoy boxing champ ang public figure, hindi siya.
Sabado nang lumabas ang mga baptismal photo pero kinabukasan, nagsalita na agad si Kat habang mainit na mainit pa ang isyu.

Hindi siya dapat nagmadali. Hindi niya dapat sinalubong at sinabayan ang kontrobersya na lalong naglagay kay Manny at sa relasyon nito kay Jinkee sa alanganin na sitwasyon.
Nagkamali rin si Lito Camo sa pagpaparating nito kay Manny Pacquiao ng balita na may kinalaman sa paglitaw ng mga baptismal photo si Lolit Solis, na kesyo ilalabas ni Lolit ang kopya ng birth certificate ng bata.
Ngayong galit at pumapalag na si Lolit sa pagsasangkot sa kanya sa isang eskandalo na wala siyang kinalaman, ang not-so brilliant alibi ng kampo ng composer ay narinig lamang daw ni Lito ang balita.
Ang kuwento na nakarating kay Lolit, sinabi ni Lito kay Manny na inutusan siya (Lolit) ni Willie Revillame na siraan ang Pambansang Kamao dahil magkalaban sa Saturday evening timeslot ang Wil Time Bigtime at ang Manny Many Prizes.
Kahit sabihin ni Lito na narinig lamang niya ang balita, may kasalanan pa rin siya dahil siya ang nagparating kay Manny ng tsismis na pinaniwalaan nito.
Imbes na matuldukan ang isyu, lalong lumaki ito dahil may mga ibang tao na idinawit -- sina Lolit at Willie -- gayong ang mukha ni Lito ang makikita sa mga baptismal picture.
Hindi kilala ni Lito si Lolit dahil kung alam niya ang ugali ng huli, alam sana niya na hindi maglalabas si Lolit ng mga litrato at birth certificate.
Mas malaki ang posibilidad na pumunta si Lolit nang diretso kay Jinkee para i-claim ang reward na Hermes bag.
Posted by The Home Treatment
on 11:28 AM. Filed under
entertainment,
Local
.
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0.
Feel free to leave a response